• ABOUT US
  • BLOG
  • SONGS
  • VIDEOS
  • CONTACT US
collaboratory.ph logo
  • ABOUT US
  • BLOG
  • SONGS
  • VIDEOS
  • CONTACT US
collaboratory.ph logo
collaboratory.ph logo
BACK TO BLOG

Tengang Kawali

Blog Posts
Collaboratory Tengang Kawali - Season 01 Episode 12

Reinne Villasanta

Rinig kita
Noong sinabi mong lalaban ka
Noong nilabi mong hindi ka pagigiba
At ipagtatanggol ang karapatan ng iba
Rinig kita
Noong sinabi mong sobra na
Noong napamura ka dahil sobrang gahaman sila
At sayo lalong lumago ang pakikibaka
Rinig kita
Noong sa wakas ay hinarap mo sila
Sumisigaw ka na kasama ng iba
Tangan ang karton na may sulat na pula
At sayong mga mata ay mababanaag ang apoy na lalong nag-aalab
Dahil sa kagusthuhang marinig ka rin nila
Rinig kita
Ang huli mong pagtawa
Ang huling sigaw
Huling alingawngaw
Huling araw na nakita kita
Ang mga araw na naging musika sa aking tenga ang iyong mga pakikibaka
Ngayon may isa akong tanong..
Ako? Narinig mo ba?

Tengang Kawali — Collaboratory.ph